Ang Iyong Seguridad

Inuuna namin ang iyong seguridad sa lahat ng aming ginagawa.

Kung hindi secure ang iyong data, hindi ito pribado. Kaya naman tinitiyak naming pinoprotektahan ang mga serbisyo ng Google tulad ng Search, Maps at YouTube ng isa sa pinakanangungunang imprastraktura sa seguridad sa buong mundo.

Pinapanatiling pribado ng pag-encrypt ang iyong data habang inililipat

Naghahatid ang pag-encrypt ng mas mahigpit na seguridad at privacy sa aming mga serbisyo. Kapag nagpadala ka ng email, nagbahagi ng video, bumisita sa isang website o nag-imbak ng iyong mga larawan, magpapalipat-lipat ang ginawa mong data sa iyong device, mga serbisyo ng Google at mga data center namin. Pinoprotektahan namin ang data na ito gamit ang maraming layer ng seguridad, kabilang ang nangungunang teknolohiya sa pag-encrypt tulad ng HTTPS at Transport Layer Security.

Pinoprotektahan ng aming imprastraktura ng cloud ang iyong data nang 24/7

Mula sa mga custom na idinisenyong data center hanggang sa mga fiber cable sa ilalim ng dagat na naglilipat ng data sa iba't ibang kontinente, pinapangasiwaan ng Google ang isa sa mga pinaka-secure at mapagkakatiwalaang imprastraktura ng cloud sa buong mundo. At patuloy itong sinusubaybayan upang protektahan ang iyong data at gawin itong available kapag kailangan mo ito. Sa katunayan, namamahagi kami ng data sa maraming data center, nang sa gayon ay awtomatiko at tuluy-tuloy itong maililipat sa mga stable at secure na lokasyon sakaling magkaroon ng sunog o sakuna.

Nakakatulong ang pagtukoy sa banta na maprotektahan ang aming mga serbisyo

Patuloy naming sinusubaybayan ang aming mga serbisyo at pinapangasiwaang imprastraktura upang protektahan ang mga ito mula sa mga banta, kabilang ang spam, malware, mga virus at iba pang mga anyo ng nakakahamak na code.

Hindi kami nagbibigay sa mga pamahalaan ng direktang access sa iyong data

Hindi kami nagbibigay ng “lihim” na access sa iyong data o sa aming mga server na nag-iimbak ng iyong data, tapos. Nangangahulugan iyon na walang entity ng pamahalaan, ng U.S. o ng iba pa, ang may direktang access sa impormasyon ng aming mga user. May mga pagkakataong nakakatanggap kami ng mga kahilingan para sa data ng user mula sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas. Sinusuri ng aming legal team ang mga kahilingang ito at hindi nila ito itinutuloy kapag masyadong kumplikado o hindi sumusunod sa tamang proseso ang isang kahilingan. Nagsikap kami upang maipaalam ang tungkol sa mga kahilingan sa data na ito sa aming Transparency Report.

Saklaw ng pag-encrypt maging ang larawan ng Eiffel Tower

Pinapanatiling pribado ng pag-encrypt sa Gmail ang mga email

Sa simula pa lang ay sinusuportahan na ng Gmail ang mga naka-encrypt na koneksyon, na nagpapahirap sa masasamang taong mabasa ang iyong ipinapadala. Binabalaan ka rin ng Gmail tungkol sa mga posibleng banta sa seguridad, tulad na lang kapag nakatanggap ka ng email na hindi ipinadala gamit ang isang naka-encrypt na koneksyon.

Naglalabas ang Gmail Email envelope ng senyales ng babala sa scanner na panseguridad

Fini-filter ng proteksyon sa spam sa Gmail ang mga kahina-hinalang email

Nagsisimula ang mga pag-atake ng malware at phishing sa isang email. Pinoprotektahan ka ng seguridad ng Gmail sa spam, phishing at malware nang mas mahusay kaysa sa anumang iba pang serbisyo sa email. Sinusuri ng Gmail ang mga pattern na nakita sa bilyun-bilyong mensahe upang matukoy ang mga katangian ng mga email na minarkahan ng mga user bilang spam, pagkatapos ay ginagamit ang mga tandang iyon upang i-block ang mga kahina-hinala o mapanganib na email bago pa makarating ang mga ito sa iyo. Maaari kang makatulong sa pamamagitan ng pagpili sa "Iulat ang Spam" para sa mga kahina-hinalang email na natatanggap mo.

Tinutulungan ng machine learning at artificial intelligence na gawing mas tumpak ang filter ng spam ng Gmail. Inaalis ngayon nito ang 99.9% ng spam sa iyong inbox.

Chrome Browser na may pag-usad sa update sa seguridad

Awtomatikong ina-update ng Chrome ang seguridad ng iyong browser

Palaging nagbabago ang mga teknolohiya sa seguridad, kaya ang pananatiling ligtas ay nangangahulugan ng pananatiling napapanahon. Kaya regular na nagsusuri ang Chrome upang matiyak na ang browser na ginagamit mo ay na-update ng mga pinakabagong pagsasaayos sa seguridad, proteksyon mula sa malware at mapanlinlang na site at marami pa. Awtomatikong nag-a-update ang Chrome, nang sa gayon ay maprotektahan ka ng pinakabagong teknolohiya sa seguridad ng Chrome.

May nakalusot na mapanganib na app sa device

Inaalis ng Google Play ang mga potensyal na mapanganib na app sa iyong telepono

Maaaring isa sa pinakamalalaking isyu sa seguridad ng iyong device ay ang mga app na na-install mo rito. Fina-flag ng aming system ng pagtukoy ang mga potensyal na mapanganib na app bago pa makarating ang mga ito sa Play Store. Kung hindi ka nakatitiyak kung ligtas ang isang app, manual itong sinusuri ng mga miyembro ng Android Security Team. Habang pinapahusay namin ang aming system ng pagtukoy, muli naming sinusuri ang mga app na kasalukuyan nang nasa Google Play at inaalis ang mga app na maaaring mapanganib, nang sa gayon ay hindi ma-install ang mga ito sa iyong device.

Bina-block ng Google ang mga nakakahamak at mapanlinlang na ad

Maaaring makasagabal sa iyong karanasan online ang mga ad na nagdadala ng malware, nakaharang sa content na sinusubukan mong tingnan, nagpo-promote ng mga pekeng produkto o di kaya ay lumalabag sa aming mga patakaran sa pag-a-advertise. Lubos naming sineseryoso ang problemang ito. Taun-taon, bina-block ng aming pinagsamang mga live na tagasuri at mabusising software ang halos isang bilyong hindi magandang ad. Binibigyan ka rin namin ng mga tool upang iulat ang mga nakakapanakit na ad at kontrolin ang mga uri ng ad na nakikita mo. At aktibo naming pina-publish ang aming mga insight at pinakamainam na kasanayan upang tulungang gawing mas ligtas ang Internet para sa lahat.

Mga pangunahing tip para matulungan kang manatiling secure online

Panatilihing protektado ang iyong mga online account at personal na data gamit ang mga madadaling tip na ito.

  • Protektahan ang iyong mga device

  • Umiwas sa mga pagtatangkang magsagawa ng phishing

  • Secure na mag-browse sa internet

Google Security Shield at checklist

Gumawa ng mahihirap na password

Ang paggawa ng mahirap at secure na password ay ang pinakamahalagang hakbang na maaari mong gawin sa pagprotekta sa iyong mga online account. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang serye ng mga salitang hindi mo makakalimutan ngunit mahirap para sa iba na mahulaan. O kaya ay gumamit ng mahabang pangungusap at gumawa ng password gamit ang mga unang titik ng bawat salita. Para gawing mas mahirap ito, gawin itong 8 character o mas mahaba pa dahil kapag mas mahaba ang iyong password, mas mahirap ito.

Kung hiniling na gumawa ng mga sagot para sa mga pangseguridad na tanong, pag-isipang gumamit ng mga pekeng sagot para gawing mas mahirap hulaan ang mga ito.

Huwag kailanman gamitin ang iisang password nang dalawang beses

Gumamit ng mga natatanging password para sa bawat account

Nagpapataas sa iyong panganib sa seguridad ang paggamit ng iisang password para mag-log in sa maraming account tulad ng iyong Google Account, mga profile sa social media, at mga website ng retail. Para itong paggamit ng iisang susi para i-lock ang iyong bahay, sasakyan, at opisina – kung may magkaroon ng access sa isang susi, maaaring makompromiso ang lahat ng ito.

Subaybayan ang maraming password

Tinutulungan ka ng tagapamahala ng password, tulad ng Google Smart Lock sa Chrome browser, na ingatan at subaybayan ang lahat ng password para sa iyong iba't ibang online account. Maaari rin nitong subaybayan ang mga sagot mo sa mga pangseguridad na tanong, at bumuo ng mga random na password para sa iyo.

Labanan ang mga hacker sa pamamagitan ng 2-Step na Pag-verify

Nakakatulong ang 2-Step na Pag-verify na pigilan ang sinumang taong dapat ay walang access sa account mo sa pamamagitan ng paghiling sa iyong gumamit ng ikalawang salik bukod pa sa username at password mo para mag-log in sa iyong account. Halimbawa, sa Google, maaari itong maging isang anim na digit na code na binuo mula sa Google Authenticator app o kaya ay prompt sa iyong Google app na tanggapin ang pag-log in mula sa isang pinagkakatiwalaang device.

Para sa karagdagang proteksyon laban sa phishing, maaari kang gumamit ng aktwal na Security Key na naisasaksak sa USB port ng iyong computer o naikokonekta sa mobile device mo gamit ang NFC (Near Field Communication) o Bluetooth.

Panatilihing napapanahon ang iyong software

Para protektahan ang iyong sarili mula sa mga kahinaan sa seguridad, palaging gumamit ng napapanahong software sa lahat ng web browser, operating system, plugin, o editor ng dokumento mo. Kapag nakatanggap ka ng mga notification na i-update ang iyong software, gawin ito sa lalong madaling panahon.

Regular na suriin ang software na ginagamit mo para matiyak na ang pinakabagong bersyong available ang ginagamit mo. Awtomatikong mag-a-update nang mag-isa ang ilang serbisyo, kabilang ang Chrome browser.

Gumamit ng lock ng screen

Kapag hindi mo ginagamit ang iyong computer, laptop, tablet, o telepono, i-lock ang screen mo para mapigilan ang ibang makapasok sa iyong device. Para sa karagdagang seguridad, itakda ang iyong device na awtomatikong mag-lock kapag nag-sleep ito.

I-lock ang iyong telepono para kung mawala mo ito

Kung sakaling mawala o manakaw ang iyong telepono, bisitahin ang My Account at piliin ang “Hanapin ang Telepono Mo” para protektahan ang iyong data sa pamamagitan ng ilang mabilis na hakbang. Kung may Android o iOS device ka, maaari mong hanapin at i-lock nang malayuan ang iyong telepono para walang makagamit ng telepono mo at maka-access sa iyong personal na impormasyon.

Ipinapakita ng browser ang mga password na pinoprotektahan sa Chrome

Protektahan ang iyong telepono laban sa mga posibleng nakakapinsalang app

Mag-download lang ng mga mobile app mula sa source na pinagkakatiwalaan mo. Para panatilihing secure ang mga Android device, nagsasagawa ang Google Play Protect ng pagsusuri sa kaligtasan sa mga app mula sa Google Play Store bago mo maaaring i-download ang mga ito, at pana-panahon nitong sinusuri ang iyong device para sa mga posibleng nakakapinsalang app mula sa ibang source.

Para panatilihing protektado ang iyong data:

  • Suriin ang iyong mga app, at i-delete ang mga app hindi mo ginagamit
  • Bisitahin ang mga setting ng iyong app store at i-enable ang mga awtomatikong pag-update
  • Magbigay lang ng access sa sensitibong data, tulad ng iyong lokasyon at mga larawan, sa mga app na pinagkakatiwalaan mo.

Mag-ingat sa mga scam sa email, mapanlokong papremyo, at regalo

Palaging kahina-hinala ang mga mensahe mula sa mga hindi kilala, lalo na kung masyadong maganda ang mga ito para maging totoo — tulad ng pagdedeklarang may napanalunan ka, pag-aalok ng mga premyo para sa pagsagot ng survey, o pag-promote ng madadaling paraan para kumita ng pera. Huwag kailanman mag-click sa mga kahina-hinalang link, at huwag kailanman maglagay ng personal na impormasyon sa mga kaduda-dudang form at survey.

Maging maingat sa mga kahilingan para sa personal na impormasyon

Huwag tumugon sa mga kahina-hinalang email, instant message, o pop-up na window na humihingi ng personal na impormasyon, tulad ng mga password at numero ng bank account at credit card, o maging iyong kaarawan. Kahit na galing ang mensahe sa isang site na iyong pinagkakatiwalaan tulad ng bangko mo, huwag kailanman mag-click sa link o magpadala ng tugon. Mas magandang direktang magpunta sa kanilang website o app para mag-log in sa iyong account.

Tandaan, hindi magpapadala ang mga lehitimong site at serbisyo ng mga mensaheng humihiling na magpadala ka ng mga password o pinansyal na impormasyon sa email.

Mag-ingat sa mga taong nagpapanggap

Kung may kakilala kang mag-e-email sa iyo ngunit mukhang kakaiba ang mensahe, maaaring na-hack na ang kanyang account.

Mag-ingat sa:

  • Agarang kinakailangang kahilingan para sa pera
  • Taong nagsasabing hindi siya makaalis sa ibang bansa
  • Taong nagsasabing nanakaw ang kanyang telepono at hindi siya makatawag

Huwag tumugon sa mensahe o mag-click sa anumang link maliban na lang kung makukumpirma mong lehitimo ang email.

I-double check ang mga file bago i-download

Maaaring mangyari ang ilang kumplikadong phishing na pag-atake sa pamamagitan ng mga na-infect na dokumento at PDF na attachment. Kung may makita kang kahina-hinalang attachment, gamitin ang Chrome o Google Drive para ligtas itong buksan at bawasan ang panganib na ma-infect ang iyong device. Kung may ma-detect kaming virus, magpapakita kami sa iyo ng babala.

Gumamit ng mga secure na network

Maging maingat sa paggamit ng pampubliko o libreng WiFi, kahit sa mga WiFi na kinakailangan ng password. Kapag kumonekta ka sa isang pampublikong network, maaaring masubaybayan ng sinumang malapit sa iyo ang aktibidad mo sa Internet, tulad ng mga website na binibisita mo at ang impormasyong inilalagay mo sa mga site. Kung ang pampubliko o libreng WiFi lang ang opsyon mo, ipapaalam sa iyo sa address bar ng Chrome browser kung secure ang isang site.

Siguruhing secure ang mga koneksyon bago maglagay ng sensitibong impormasyon

Kapag nagba-browse ka sa web – at lalo na kung plano mong maglagay ng sensitibong impormasyon tulad ng password o mga detalye ng credit card – tiyaking secure ang koneksyon sa mga binibisita mong site. Magsisimula sa HTTPS ang isang secure na URL. Magpapakita ang Chrome browser ng berde at ganap na naka-lock na icon sa field ng URL na may nakalagay na “Secure.” Kung hindi ito ligtas, “Not Secure” ang ilalagay rito. Nakakatulong ang HTTPS na panatilihing ligtas ang iyong pag-browse sa pamamagitan ng secure na pagkonekta ng browser o app mo sa iyong mga binibisitang website.