Ang Iyong Data

Gusto naming maunawaan mo kung anong data ang kinokolekta at ginagamit namin.

Kapag gumamit ka ng mga serbisyo ng Google, ipinagkakatiwala mo sa amin ang iyong data. Responsibilidad naming linawin ang tungkol sa kung ano ang kinokolekta namin at kung paano namin ito ginagamit upang mas maging mainam para sa iyo ang aming mga serbisyo.

Narito ang tatlong pangunahing uri ng data na kinokolekta namin:

Mga bagay na ginagawa mo

Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo - halimbawa, nagsagawa ng paghahanap sa Google, kumuha ng mga direksyon sa Google Maps o nanood ng video sa YouTube - nangongolekta kami ng data upang maging mas mainam para sa iyo ang mga serbisyong ito. Maaaring kasama rito ang sumusunod:

  • Mga bagay na hinahanap mo
  • Mga website na binibisita mo
  • Mga video na pinapanood mo
  • Mga ad na kini-click o tina-tap mo
  • Ang iyong lokasyon
  • Impormasyon ng device
  • IP address at data ng cookie

Mga bagay na ginagawa mo

Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account, iniimbak at pinoprotektahan namin ang iyong ginagawa gamit ang aming mga serbisyo. Maaaring kasama rito ang sumusunod:

  • Mga email na ipinapadala at natatanggap mo sa Gmail
  • Mga contact na idinaragdag mo
  • Mga event sa kalendaryo
  • Mga larawan at video na ina-upload mo
  • Docs, Sheets at Slides sa Drive

Mga bagay na nagbibigay-daan sa iyo na maging “ikaw”

Kapag nag-sign up ka para isang Google Account, tinatabi namin ang pangunahing impormasyong ibinibigay mo sa amin. Maaaring kasama rito ang iyong:

  • Pangalan
  • Email address at password
  • Kaarawan
  • Kasarian
  • Numero ng telepono
  • Bansa
Google Maps sa isang smartphone

Paano ka natutulungan ng Google Maps na mabilis na makapunta sa iba't ibang lugar

Kapag ginamit mo ang app na Google Maps, magpapadala sa Google ang iyong telepono ng ilang anonymous na data tungkol sa iyong lokasyon. Isinasama ito sa data mula sa mga tao sa paligid mo upang matukoy ang mga pattern ng trapiko. Halimbawa, maaaring matukoy ng Maps kapag maraming sasakyan ang mabagal ang andar sa iisang kalye at maaaring ipaalam sa iyo kung may matinding trapiko. Kaya sa susunod na balaan ka ng Maps tungkol sa isang aksidente at gabayan ka sa isang mas mabilis na ruta, dapat kang magpasalamat para sa data ukol sa shortcut na mula sa mga kasabay mong nagmamaneho.

Google Search bar na may autocomplete

Paano ino-autocomplete ng Google ang iyong mga paghahanap

Alam mo iyong kapag naghanap ka ng isang bagay at nakagawa ka ng typo — at sa kung anumang paraan, nalaman pa rin ng Google kung ano ang ibig mong sabihin? Gumagamit ang aming modelo sa pagwawasto ng spelling ng data na galing sa mga taong nakagawa ng parehong pagkakamali dati upang iwasto ito para sa iyo. Sa ganoong paraan namin nalalaman na kapag na-type mo ang "Barsalona,” "Barcelona” talaga ang ibig mong sabihin.

Maaari ring makatulong sa Google ang iyong history ng paghahanap upang i-autocomplete ang iyong mga paghahanap. Halimbawa, kung naghanap ka na dati ng “mga flight papunta sa Barcelona," maaari namin itong imungkahi sa box para sa paghahanap bago mo pa man matapos ang pagta-type nito. O kaya, kung isa kang tagahanga ng football club at madalas mong hinahanap ang “mga score ng Barcelona,” maaari namin iyong imungkahi kaagad.

Chrome tab na may nasagutang form sa pamamagitan ng autofill

Paano sinasagutan ng Chrome ang mga form para sa iyo

Sa tuwing bumibili ka o nagsa-sign up para sa isang account online, gumugugol ka ng oras sa pagsagot ng mga form gamit ang iyong personal na impormasyon. Kapag ginamit mo ang Chrome, maaari naming i-save ang iyong pangalan, address, numero ng telepono, email address at impormasyon sa pagbabayad nang sa gayon ay ma-autocomplete namin ang mga form na ito para sa iyo. Maaari kang mag-edit ng mga partikular na field ng autofill o i-disable ang setting na ito nang sabay.

Google Search bar na may larawan sa profile at button ng mga pribadong resulta

Paano ka tinutulungan ng Google Search na mahanap ang iyong sariling impormasyon

Maaaring makakuha ang Google Search ng kapaki-pakinabang na impormasyon mula sa Gmail, Google Photos, Calendar at marami pa, at ipakita ito sa iyong mga pribadong resulta sa paghahanap nang sa gayon ay hindi ka na mahirapan. Maghanap lang ng mga bagay tulad ng “appointment sa aking dentista,” “ipakita sa akin ang mga larawan ko sa beach” o “saan ang aking hotel reservation.” Hangga't naka-sign in ka, kukunin namin ang impormasyong ito mula sa iba pang mga serbisyo ng Google at ibibigay sa iyo sa isang hakbang lang.

Mga chat bubble sa pagitan ng user at Google Assistant

Paano ka matutulungan ng iyong Google Assistant na matapos ang mga bagay-bagay

Ikaw man ay nasa bahay o on the go, palaging handang tumulong ang iyong Assistant. Kapag nagtanong ka sa iyong Assistant o nagsabi ka ng dapat nitong gawin, gumagamit ito ng data mula sa ibang mga serbisyo ng Google upang maibigay sa iyo ang kailangan mo. Halimbawa, kung itatanong mo ang "Ano'ng mga coffee shop ang malapit?” o “Kailangan ko bang magdala ng payong bukas?” ginagamit ng iyong Assistant ang impormasyon mula sa Maps at Search pati na rin ang iyong lokasyon, mga interes at kagustuhan upang maibigay sa iyo ang pinakamakabuluhang sagot. Maaari mong bisitahin anumang oras ang tool na Aking Aktibidad upang tingnan o i-delete ang data na nakolekta mula sa mga pakikipag-ugnayan sa iyong Assistant.

Kontrolin ang iyong karanasan sa Google

Narito ang ilang tool na maaari mong gamitin anumang oras upang pamahalaan ang iyong privacy.

Browser na ipinapakita ang Aking Account

Kontrolin ang iyong mga setting ng privacy sa Aking Account

Mayroon ka mang Google Account o wala, ikaw ang magpapasya kung aling mga uri ng data ang maaaring makatulong upang maging mainam para sa iyo ang mga serbisyo ng Google. Binibigyan ka ng Aking Account ng mabilis na access sa mga tool na tumutulong sa iyong pamahalaan ang iyong personal na impormasyon at protektahan ang iyong privacy.

Mga nakaraang paghahanap sa isang Chrome window

Tingnan kung anong data ang nasa iyong account sa Aking Aktibidad

Ang Aking Aktibidad ay ang lugar kung saan mo maaaring makita ang lahat ng bagay na hinanap, tiningnan at pinanood mo gamit ang aming mga serbisyo. Upang mas madaling maalala ang iyong nakaraang aktibidad online, bibigyan ka namin ng mga tool upang maghanap ayon sa paksa, petsa at produkto. Maaari kang permanenteng mag-delete ng mga partikular na aktibidad o kahit mga buong paksa na hindi mo gustong maiugnay sa iyong account.

Icon ng Incognito ng Chrome

I-browse ang web nang pribado gamit ang incognito mode

Maaaring makatulong ang history ng iyong web na gawing mas kapaki-pakinabang ang iyong mga resulta ng paghahanap, ngunit may mga pagkakataong gusto mong mag-browse nang pribado. Halimbawa, kung iisang computer lang ang ginagamit ninyo ng iyong kasintahan, malamang na hindi mo gugustuhing makita niya sa iyong history ng pagba-browse ang hinahanap mong sorpresang regalo para sa kanyang kaarawan. Para sa mga ganitong pagkakataon, magbukas ng incognito window sa iyong computer o mobile device upang mapigilan ang Google Chrome sa pagse-save ng iyong history ng pagba-browse.