Kontrolin

Ikaw ang may mga kontrol sa pamamahala sa iyong privacy.

Gumagamit kami ng data upang gawing kapaki-pakinabang ang aming mga serbisyo hangga't maaari, ngunit ikaw ang magpapasya kung anong mga uri ng data ang kokolektahin at gagamitin namin. Binuo namin ang Aking Account upang mabigyan ka ng mabilis na access sa mga madaling gamitin na tool na tumutulong sa iyong pamahalaan ang iyong privacy at seguridad. Ikaw ang magpapasya kung paano makakatulong ang iyong data upang maging mainam para sa iyo ang mga serbisyo ng Google sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga sumusunod na setting.

Pumunta sa Aking Account

Pamahalaan ang iyong mga setting ng privacy gamit ang Privacy Checkup

Sa loob lang ng ilang minuto, maaari mong pamahalaan ang mga uri ng data na kinokolekta ng Google, i-update kung anong personal na impormasyon ang ibinabahagi mo sa mga kaibigan o ginagawang pampubliko at isaayos ang mga uri ng mga ad na gusto mong ipakita sa iyo ng Google. Maaari mong baguhin ang mga setting na ito hangga't gusto mo.

Isagawa ang Privacy Checkup

I-secure ang iyong account gamit ang Security Checkup

Ang unang bagay na maaari mong gawin upang maprotektahan ang iyong Google Account ay isagawa ang Security Checkup. Binuo namin ito upang makatulong sa iyong ma-verify na na-update ang iyong impormasyon sa pag-recover, at na ang mga website, app at device na nakakonekta sa iyong account ay iyon pa ring mga ginagamit at pinagkakatiwalaan mo. Kung may anumang mukhang kahina-hinala, maaari mong palitan agad ang iyong mga setting o password. Tumatagal lang nang ilang minuto ang Security Checkup, at maaari mo itong isagawa nang ilang beses hangga't gusto mo.

Isagawa ang Security Checkup

Pagpasyahan kung anong data ang nauugnay sa iyong account

Mula sa mas mahuhusay na opsyon sa pag-commute sa Maps hanggang sa mas mabibilis na resulta sa Search, maaaring makatulong sa iyo ang data na sine-save namin sa iyong account na gawing mas kapaki-pakinabang ang mga serbisyo ng Google. Gamit ang Mga Kontrol ng Aktibidad, maaari mong pagpasyahan kung ano ang iuugnay sa iyong account at i-pause ang pagkolekta ng mga partikular na uri ng data — tulad ng iyong mga paghahanap at aktibidad sa pagba-browse, mga lugar na pinupuntahan mo at impormasyon mula sa iyong mga device.

Pumunta sa Mga Kontrol ng Aktibidad

Kontrolin ang mga ad batay sa iyong mga kagustuhan

Sa iyong Mga Setting ng Mga Ad, maaari mong kontrolin ang mga ad batay sa kung anong mga paksa ang kinaiinteresan mo. Halimbawa, kung gagamitin mo ang mga setting ng Pag-personalize ng Mga Ad upang ipaalam sa Google na gusto mo ng pop music, maaari kang makakita ng mga ad para sa mga paparating na release at mga palabas malapit sa iyo kapag naka-sign in ka sa YouTube.

Kung io-off mo ang Pag-personalize ng Mga Ad habang naka-sign in ka, ihihinto namin ang pagpapakita sa iyo ng mga ad na may kaugnayan sa iyong mga interes sa lahat ng serbisyo ng Google pati na rin sa mga website at app na kasosyo namin. Kapag naka-sign out ka, maaapektuhan lang ng pag-o-off sa Pag-personalize ng Mga Ad ang mga serbisyo ng Google kung saan ipinapakita ang mga ad.

Pumunta sa Mga Setting ng Mga Ad

Tingnan kung anong data ang nasa iyong account sa Aking Aktibidad

Ang Aking Aktibidad ay ang lugar kung saan mo maaaring mahanap ang mga bagay na hinanap, tiningnan at pinanood mo gamit ang aming mga serbisyo. Upang mas madaling maalala ang iyong nakaraang aktibidad online, bibigyan ka namin ng mga tool upang maghanap ayon sa paksa, petsa at produkto. Maaari kang permanenteng mag-delete ng mga partikular na aktibidad o kahit mga buong paksa na hindi mo gustong maiugnay sa iyong account.

Pumunta sa Aking Aktibidad

Suriin ang pangunahing impormasyon ng iyong account

Kontrolin kung anong personal na impormasyon ang ibabahagi mo sa mga serbisyo ng Google — tulad ng iyong pangalan, email address at numero ng telepono.

Suriin ang Iyong Personal na Impormasyon

Dalhin ang iyong content kahit saan gamit ang I-download ang Iyong Data

Ang iyong mga larawan. Ang iyong mga email. Ang iyong mga contact. Maging ang iyong mga bookmark. Ikaw ang may kontrol sa content na nakaimbak sa iyong Google Account. Kaya namin ginawa ang I-download Ang Iyong Data — upang makagawa ka ng kopya, ma-back up mo ito o mailipat ito sa isa pang serbisyo.

Pumunta sa i-download ang iyong data