Mas Ligtas na Internet

Tumutulong kaming gawing mas ligtas ang Internet para sa lahat.

Matagal na kaming bumubuo ng teknolohiyang panseguridad na hindi lang ang mga user namin ang nakikinabang, ang online na mundo rin sa kabuuan. Kapag gumagawa kami ng teknolohiya upang mapanatiling mas ligtas ang aming mga serbisyo, humahanap kami ng mga pagkakataong maibahagi ito para mapakinabangan ng lahat. At habang nagbabago ang mga banta sa paglipas ng panahon, nagbigay-daan ang aming mga naiaangkop at nangungunang pamamaraan upang sundan kami ng iba pang mga kumpanya.

Hindi lang ang mga user ng Chrome ang pinoprotektahan ng Ligtas na Pagba-browse

Orihinal naming binuo ang aming teknolohiya sa Ligtas na Pagba-browse upang protektahan ang mga user ng Chrome mula sa mga banta ng malware at phishing sa pamamagitan ng pag-alerto sa kanila kapag sinusubukan nilang bumisita sa mga mapanganib na website. Upang gawing mas ligtas ang Internet para sa lahat, ginawa naming libre ang teknolohiyang ito upang magamit ng ibang mga kumpanya sa kanilang mga browser, kabilang ang Apple Safari at Mozilla Firefox. Ngayon, napoprotektahan ng Ligtas na Pagba-browse ang kalahati ng online na populasyon ng mundo.

Inaalertuhan din namin ang mga may-ari ng website kapag may mga isyu sa seguridad ang kanilang mga site at nag-aalok kami ng mga libreng tool upang matulungan silang mabilis na maayos ang mga problema. Sa pamamagitan ng patuloy na pagbabahagi ng bagong teknolohiyang panseguridad, habang binubuo namin ito, nakakatulong kaming bumuo ng mas ligtas na Internet para sa lahat.

Gumagamit kami ng HTTPS upang mapanatili kang mas ligtas habang nagba-browse sa Internet

Kapag kumonekta ka sa aming mga serbisyo sa pamamagitan ng HTTPS na pag-encrypt, mapoprotektahan ka mula sa mga nagmamasid at nakakahamak na hacker upang matiyak na mapupunta ka lang sa kung saan mo gusto. Upang mahimok ang mga website na gamitin ang karagdagang seguridad na ito, ginawa naming isa sa mga signal ang HTTPS na pag-encrypt na ginagamit ng Google Search algorithm kapag nagra-rank ng mga website sa aming mga resulta ng paghahanap.

Gumagawa kami ng mga gantimpala sa seguridad upang matukoy ang mga isyu

Sa Google, gumagawa kami ng mga programa ng mga gantimpala sa seguridad na nagbabayad sa mga independiyenteng mananaliksik upang maghanap ng mga isyu sa aming mga serbisyo at gumawa ng mga pagsasaayos sa seguridad. Taun-taon, naglalaan kami ng milyun-milyong dolyar para sa mga pananaliksik at bug bounty. Kasalukuyan naming ginagamit ang mga programa ng gantimpala sa seguridad para sa maraming produkto ng Google, tulad ng Chrome at Android.

Ginagawa naming available para sa mga developer ang aming mga tool sa seguridad

Ibinabahagi namin ang aming teknolohiyang panseguridad kapag alam naming makakatulong ito sa iba. Halimbawa, ginagawa naming available nang libre ang aming Google Cloud Security Scanner para sa mga developer nang sa gayon ay ma-scan at masuri nila ang kanilang mga web application sa App Engine para sa mga isyu sa seguridad.

Nagbabahagi kami ng data tungkol sa aming mga kasanayan upang makabuo ng mas ligtas na Internet

Noong 2010, na-publish ng Google ang Transparency Report, na nagtatampok ng mga istatistika sa mga bagay tulad ng mga pag-aalis dahil sa copyright, mga kahilingan ng pamahalaan para sa data ng user at mga inisyatibo sa seguridad tulad ng Ligtas na Pagba-browse. Nagbabahagi rin kami ng data sa paggamit ng industriya ng pag-encrypt para sa mga website at email. Ginagawa namin ito hindi lang upang ibahagi ang aming napagtatagumpayan sa aming mga user, ngunit upang himukin ang iba pa na magsagawa ng mas mahuhusay na pamantayan sa seguridad para magkaroon ng mas ligtas na Internet para sa lahat.